20 Halimbawa Ng Kasabihan
20 halimbawa ng kasabihan
20 Halimbawa ng Kasabihan:
1. Kapag may isinuksok, may madudukot.
2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.
3. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.
4. Ang kalinisan ay kakambal ng kasipagan.
5. Ang pagsintang labis na makapangyarihan, kapag pumasok sa puso
ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
6. Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin.
7. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
8. Kapag may tiyaga, may nilaga.
9. Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw.
10. Ang magtahi-tahi ng hindi totoong kuwento, mabubuko rin sa bandang
dulo.
11. Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.
12. Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
13. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang .
14. Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang
pabalat.
15. Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.
16. Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaban.
17. Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin ang iyong
kalooban.
18. Ang batang matalino, nag aaral nang husto.
19. Ang pagsasabi ng matapat, nagsasama ng maluwat.
20. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang
isda.
Read more on
Comments
Post a Comment