Bakit Kailangan Mapabuti Ng Pamahalaan Ang Kalagayan Ng Nanggagawang Pilipino
Bakit kailangan mapabuti ng pamahalaan ang kalagayan ng nanggagawang pilipino
Ang pamahalaan ang siyang namamahala sa bansang Pilipinas na kung saan binubuo ito ng mga pulitiko na ang layunin ay paglingkuran ang mamamayan ng bansa. Maraming batas at gawain ang isinasagawa ng pamahalaan upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Isa na rito ang kalagayan ng manggagawang Pilipino.
Ang mga manggagawang Pilipino ay may ibat ibang kakayahan at abilidad na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Isa pa, ang mga maggagawang Pilipino ay nakakapagbigay ng malaking kontribusyon sa mga gastos na ginagamit ng pamahalaan para isagawa ang mga layunin na nais isakatuparan sa bansa. Kaya naman, kailangan na mapabuti ng pamahalaan ang kalagayan ng manggagawang Pilipino. Lalo nat sa kabila ng kasipagan at dedikasyon na ginagawa ng mga manggagawang Pilipino ay tila nakakaranas pa rin sila ng kahirapan. Kaya nga maraming Pilipino ang nangingibang bansa upang maghanap ng ibang trabaho na mas malaki ang kita. Lalo na at dito sa bansa, may mga klase ng trabaho na kahit anong sipag ay maliit pa rin ang kinikita at hindi nito nasasapatan ang pangangailangan ng pamilya ng isang manggagawang Pilipino. Isabay pa ang mataas na mga bilihin. Kaya naman, hindi nakakapagtaka kung bakit mas pinili na lang umalis ng bansa at sumubok sa ibang lugar.
Kailangan na mapabuti ng pamahalaan ang kalagayan ng manggagawang Pilipino upang hindi na sila umalis ng bansa para magtrabaho sa iba at hindi na mapalayo sa pamilya. Isa pa, kapag napapabuti ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino, mas nagiging produktibo ito sa sarili nitong bansa at mas napapaunlad ang ekonomiya ng bansa. Kinakailangan na tulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magkaroon ng mabuting kalagayan.
Ang mga manggagawang Pilipino ay masisipag. Kaya naman, karapatdapat lamang silang tulungan na mapabuti ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na sahod at pagpapatupad ng pamahalaan ng mga benepisyo na makakatulong sa mga manggagawa.
Comments
Post a Comment