Mga Tauhan Sa Kabanata 5 Ng Elfilibusterismo

Mga tauhan sa kabanata 5 ng elfilibusterismo

Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Tungkol sa karanasan ng isang kutsero isang araw bago ang kapaskuhan. Ang kutsero ay si Sinong na makailang ulit naparusahan. Una, dahil sa hindi pagdadala ng sedula at ikalawa ay sa sirang ilaw ng kanyang kalesa. Siya ang kutsero ng kalesang sinakyan ni Basilio. Personal na nasaksihan ni Basilio ang lahat ng nangyari kay Sinong.

Mga Tauhan sa Kabanata 5 ng El Filibusterismo:

  1. Basilio
  2. Sinong
  3. Kapitan Basilio
  4. Simoun
  5. Alperes
  6. Mga Guwardiya Sibil
  7. Kapitan Tiyago

Si Basilio ang bidang karakter sa kabanatang ito na nagbalik sa bayan ng San Diego sang - ayon sa utos ng kanyang ama - amahang si Kapitan Tiyago. Habang nasa daan ay maraming siyang nakitang mga hindi kanais -  nais ngunit pilit niyang nilalabanan ang damdamin.  

Si Sinong ang kutsero ng sinasakyang karitela ni Basilio na nabugbog ng mga sibil matapos na maiwan nito ang kanyang lisensya at kawalan ng sapat na liwanag ng parol ng kanyang karitela.

Si Kapitan Basilo ang may - ari ng tahanan na napuna ni Basilio na tanging masaya sa araw ng Noche Buena. Nakita ni Basilio na siya ay dinalaw ng alperes at ng mag - aalahas na si Simoun.

Si Simoun ang panauhin ni Kapitan Basilio na tutungo sa Tiani kasama ni Kapitan Basilio upang bentahan ito ng mga alahas sapagkat nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes at isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili' ng kura.

Ang Alperes ang kasamang panauhin ni Simoun sa tahanan ni Kapitan Basilio na nais bumili ng relo kay Simoun.

Ang mga guwardiya sibil ang mga bumugbog at nagparusa kay Sinong matapos  na maiwan nito ang kanyang lisensya at makalimutang palitan ang parol na tanglaw ng kanyang karitela.

Si Kapitan Tiyago ang may - ari ng tahanan na tutuluyan ni Basilio sa San Diego at nag - utos dito na bisitahin ang kanyang tahanan bilang paghahanda sa napipintong pagbabalik ni Maria Clara mula sa beateryo.

Ano ang kwento ng kabanata 5 ng El Filibusterismo: brainly.ph/question/1290796

#LearnWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mga Pagbabago Ang Pamagat Ng Kabanata 51?

An Antacid Tablet Containing 0.50 G Of Nahco3 Is Dissolved In 250 Ml Of Water. What Is The Molar Concentration Of Nahco3 In The Solution? *